Wednesday, November 24, 2010

ubuntu, ayos to!

feeling ko ginawa ang ubuntu para sa youth. napaka "cute' kasi ng mga features tapos madali pa. tinarget siguro talaga nila ung pinakamarami at avid user ng net. akala ko nung una tipong hindi siya easy on the eyes nung nag preprerog ako. kasi feel ko black and white sya, yung ginagamit ni sir duldulao pag nag sysystem one kasi comsci 2 to akala ko eh tuturuan mag programming ganun. pero ayos to, fan kasi ng mga lumilipat lipat ng desktop ang cool. tapos yung jelly effect pa. pag wala akong magawa paglalaruan ko pa. pero syempre feel ko, mas hindi pa siya ganun ka pulido kesa sa windows at mac. dko lang alam kung pwede to sa paggawa ang mga multimedia things. maxado atang cute para sa taste ko/ o nasanay lang ako sa windows?
pero kung viruses, at leisure lang pag uusapan, ayos na ayos tong ubuntu. pag mag bababad ako sa net tapos maraming dinadownload at ginagawa ang sarap gamitin nito nde makalat tsak mabilis.

ang blog, BOW

alam ko noon nagbloblog ako sa multiply pa nga ata yun, puro pangangaral at mga pananaw sa buhay ang mga pinopost ko doon. hinding hindi ko ata nababanggit yung mga nangyayari sa buhay ko ala tipong article sya. ngayon ko lang ginwa to na nagkuwento ako na parang nag susulat sa diary kaya hindi ko alam kung paano sisimulan.
siguro masasabi ko hindi ako fan ng twitter, at sa notion na "follow me"
sabagay micro blogging ata yun?, para kasing lugar ng chismisan yun eh.
eto hindi ko alam.
ang blogging siguro eh paraan para mapatid ang uhaw ng mga tao upang maibahagi sa iba ang kanilang mga kaalaman o di kaya eh magpapansin lang.
para sakin ang pag bloblog eh dapat may katuturan o di kaya may laman. kung puro laman lang eh sarili, siguro dapat bumili nalang ng diary.
dahil exposed sa lahat, nakakahiya naman kung sinayang ng mga tao ang oras nila sa pagbabasa ng blog mo pero puro alang lalim o laman, pero pwede rin kung ang habol eh chismis lang.
nagrha-rhyme nanaman ako, kaka nood ng fliptop to.
ang blog o pag bloblog ay isa na sa mga [araan ng mga tao ngayon upang ilabas ana kanilang mga saloobin. siguro katumbas siya ng love letter ng mga penpals noong panahon noon o ang mga liham ni maria clara kay jose rizal.

a.k.a MYKA

Sabi nila masayang mag ka kuya, edi sobrang saya ko kasi talo ang kuya ko at ako ang bunso? HIndi naman ganun ka saya kung mga pilyo ang mga kapatid mo.
Katulad ng karamihan...
dalawa ang aking mga magulang.
Umiyak at naghirap ang nanay ko noong Pebrero.
Ayun lumabas ako.
katulad ng mga lalaking kapatid ako ay makulit.
Bata palang mahilig ng humirit.
Pilyo, madaming kaso sinabing magiging aktibista ng mga prinsipal.
Laging napgsasabihan na ayusin ang aking asal.
kahit kailan hindi ako sumusuko.
kahit lumuha ako ng dugo at ipahiya ng buong siglo.
Iaangat ko ang aking ulo at sayo'y ipapakilala
Maria Camille M. Ramos po, kilala din bilang Myka